Mga Dapat Mabatid Tungkol sa Passport

What I should Know About My Philippine Passport

フィリピンパスポートについて知っておくべきこと

Valid pa ba ang aking Passport?

Is my passport still valid?

私のパスポートは有効ですか?

Ang passport po ay valid at may bisa pa para sa pagbyahe, pagrenew/pag-apply ng visa, pagrenew ng residence ID o anumang transaksyon kung ito ay mahigit pa sa anim na buwan (at least 6 months) bago ang expiration date nito. Kung kulang na sa 6 na buwan (less than 6 months) maaaring hindi na ito magamit sa mga transaksyon lalo na sa pagbiyahe pabalik ng Japan, pag-apply/renewal ng visa o pagbyahe sa ibang bansa bukod sa Japan. Sikapin po nating tandaan ang expiration date ng ating passport.

Your passport is considered valid and may be used for travels, visa application/renewal, application/renewal of residence ID, or other legal transactions provided it is more than six months from its expiration date. Once least than six months, it may not be accepted for the aforementioned transactions especially for travels to Japan and other countries. Please be aware of the validity period of your passport.

あなたのパスポートが、有効残存期間6ヶ月以上ある場合、有効だとみなされ、旅行、ビザの申請や更新、居住者カードの申請や更新、また法的目的に使用できます。有効残存期間が6ヶ月未満の場合、前述の手続きに使用できなくなります。特に、日本をはじめ他の国への渡航ができなくなります。ご自分のパスポート有効期限には、くれぐれもご留意ください。

 

Mayroon bang fine kung expired na ang passport na hawak ko?

Will I get fined if my passport is expired?

パスポートの有効期限が切れた場合、過料が課せられますか?

Wala po. Subalit ang lahat ng inconvenience at problema na dulot nito ay inyong responsibilidad. Sa panahon na biglang kailangan ang valid na passport, alalahanin po na kailangan ng panahon upang makakuha ng bagong passport (aabutin ng at least 6 na linggo).  

There is no fine. However, you bear all the inconveniences of holding an invalid passport. Once the need arises, please remember it will take more or less six (6) weeks to renew your passport.

パスポートが有効期限を過ぎても、過料は課されません。しかし、期限が切れ無効となったパスポートを所持したままでは、多くの不都合が生じます。パスポートを急に更新する必要が生じても、更新手続きには6週間以上の時間を要します。時間に余裕をもって更新手続きを行ってください。

 

E-passport na ba ang hawak ko?

Am I holding an e-passport?

私のパスポートは 「e-パスポート」ですか?

Ang mga pasaporte (kulay Maroon) na isyu ng Osaka PCG mula 2010 ay e-Passport na. Makikita ang logo ng e-Passport sa harap na cover.

Maroon-colored Passports issued by Osaka PCG beginning 2010 are e-Passports. You can find the e-Passport logo on the front cover.

在大阪フィリピン総領事館では、2010年よりマルーン色のパスポート、つまり「e-パスポート」を発給しています。パスポートの表紙に、「e-パスポート」のロゴマークが確認できます。

ePassport Chip

Kung hindi pa e-Passport, kailan ako dapat mag renew?

My Passport is not electronic, what should I do?

私のパスポートは、「e-パスポート」ではありません。どうすればよいですか?

Kung ang pasaporte na hawak mo ay MRRP (kulay Green) o MRP (maroon pero walang logo ng e-Passport) makabubuting alamin kung kailan ang expiration date nito (valid until). Kung mababa na sa anim na buwan, makabubuting mag renew na sa lalong madaling panahon.

If the passport you are holding is MRRP (green), MRP (Maroon without e-passport logo), please take note of its expiration date. If it is less than 6 months valid, you may renew as soon as possible.

あなたのパスポートが、MRRP(緑色) あるいは、MRP(「e-パスポート」のロゴマークがない マルーン色のもの)である場合には、有効期限を必ず確認してください。そして、有効残存期間が6ヶ月未満の場合には、すみやかに更新手続きを行うようにしてください。

 

Kailangan ko ba ng Appointment Para Sa Application o Mag Renew?

Do I need an appointment for Application/ Renewal? 

パスポートの申請/更新には、予約を取る必要がありますか?

Wala pong appointment system sa Osaka PCG. “First come, first served” po ang kalakaran. Ang opisina ay bukas Lunes hanggang Biyernes, 9:00 AM-5:00 PM, No Noon Break. Ang mga buntis, Senior Citizen, may kapansanan, mga sanggol at bata limang taon (5 years old) pababa ay hindi nangangailangan na sumabay sa pila. Sila po ay pagbibigyan na mauna. Ang mga asawa, magulang, kapatid o kasama nila ay hanggat maaari ay hindi sakop ng kalakaran na ito.

No appointment is needed. Applicants are considered on a “first come, first served” basis. The office is open 9:00AM-5:00 PM, No Noon Break. Pregnant women, Senior Citizen, differently-abled, infants, and children less than five years of age are priorities. However, those accompanying them may be asked to observe the normal procedure.

パスポートの申請/更新に予約は必要ありません。来館順に申請の受付を行います。領事館の業務時間は、午前9時から午後5時までです。お昼休みはありません。妊婦の方、高齢者、障害をおもちの方、乳児、また5歳未満のお子様の申請は、優先的に取り扱います。しかし、前述の方々に付き添われ、ご自身も手続きをされる申請者については、通常の手続き順序をお守りいただくことになりますのでご了承ください。

 

Kailangan ko bang magdala ng passport ID pictures para sa passport?

Do I need to submit Passport ID pictures?

パスポート申請用に写真を提出しなければいけませんか?

Hindi po.

No.

パスポート用のお写真の提出は必要ありません。

 

Ano ang mga Hakbang ng Application/Renewal ng Passport?

What are the Application/ Renewal Procedures?

パスポート申請/更新手続はどのようになりますか?

Personal po ang passport application/renewal. Makabubuti na kompleto ang lahat ng requirements bago magtungo sa Osaka PCG. Tingnan ang mga requirements dito. Kung kompleto na ang lahat, gawin ang mga sumusunod:

1. Magtungo sa bintana ng Passport Processing. Ibigay ang mga requirements. Titingnan kung kompleto at walang problema sa mga dokumento. Papasagutan sa iyo ang lahat ng kailangan pa. Bibigyan ka ng number para sa encoding.

2.    Magtungo sa Cashier para sa bayarin. Bibigyan ka ng opisyal na resibo ng iyong transakyon. Itago ito.

3.  Magtungo sa Passport Encoding Area. Bantayan sa monitor ang pagtawag sa iyong number. Matapos ang encoding, tapos na ang proseso.

Passport application/renewal is personal. Please complete all requirements before proceeding to the Consulate General. You may check the requirements here. Once everything is in order, you may proceed with the following:  

1.      Proceed to Passport Processing Window and hand over the documents. These shall be assessed and verified. You may be required to complete the information needed. Once in order, you will be given a number for Passport Encoding.

2.      Proceed to the Cashier. Pay appropriate Fee. You will be issued a receipt. Please keep it.

3.      Proceed to Passport Encoding Area. Kindly monitor your number on the screen. Once encoding is done, you may go.

 

パ  スポートの申請は、ご本人の来館が必要です。領事館にお越しになる前に、必ず要件を整えるようにしてください。要件は次のとおりです。すべて準備できましたら、以下のとおり手続きをしてください。

1.   来館されましたら、パスポート窓口に進み、書類を提出してください。提出された書類は確認審査されます。申請状況によりましては、追完の書類提出を求める場合がありますのでご了承ください。書類の確認審査が終わりましたら、パスポート情報入力のため、お待ちいただく番号札をお渡しします。

2.   会計におすすみください。会計が済みましたら領収書が発行されますので、大切に保管してください。

3.   パスポート情報入力を行うエリアにお進みください。さきほどお渡しした 番号札の番号がスクリーンに表示されます。入力手続きが終了しましたら、どうぞお帰りください。

 

Kailan dadating ang bago kong passport?

When will I get my Passport?

新しいパスポートはいつ受け取れますか?

Mula sa renewal date, maaaring umabot sa 6-8 linggo, minsan higit pa lalo na iyong applications sa consular outreach, bago maging available ang inyong passport. Ang mga pasaporte na available ay kaagad na ipinapadala ng Osaka PCG gamit ang iniwan ninyong sobre.

From the renewal date, it takes 6-8 weeks, at times more especially for outreach application, to receive the new passport. Passports available are sent by the Consulate General to holders as soon as possible using the provided self-addressed return envelope.

申請受理後、6-8週間の時間を要します。各地への出張領事館を通して提出された申請は、手続きにより時間を要する場合があります。ご了承ください。新しいパスポートは、出来上がり次第、申請時にご提出いただいた、返信用封筒にて申請者ご自身の住所にお送りします。

 

Wala pa ang passport ko, dumating na ang sa kasabay ko, bakit ganun?

I have yet to receive my passport, someone I know already did. Is this possible?

私のパスポートがまだ届きません。同じ時期に申請した人で既に受け取っている人がいるのですが。

Ang mga passports na aming natatanggap ay hindi ayon sa araw ng application. Ito ay base sa mga natanggap na passports mula sa Manila. Maaaring nauna ang pagpapadala sa passport ng kasama mo kesa sa iyong passport depende sa printing batch doon. Wala pong itinatago o inihuhuling passport ang Osaka PCG. Ang lahat ng natatanggap ay kaagad na ipinapadala

The Consulate General receives passports not by date of application. We receive passports from Manila according to printing batches. It is likely that passports applied on the same day have different batches. What’s important to remember is that all passports available at the Consulate General are sent to respective holders without delay.

新しいパスポートは、本国フィリピンより領事館に特別便で送られてきます。したがいまして、申請日順の取り扱いではなく、本国フィリピン マニラでの発給区分によります。同じ日に申請した場合でも、区分が異なる場合もあります。本国フィリピンからあなたのパスポートが領事館に届きましたら、すみやかに名義人に送付しますので、ご理解ください。

Wala pa ang passport ko, mayroon akong emergency. Ano ang pwede kong gawin?

My passport is not yet available but I have an emergency. What should I do?

更新後のパスポートがまだ手元にありませんが、緊急事態が発生した場合どうすればよいですか?

Maaari pong mag-apply ng passport extension ng inyong kasalukuyang passport. Magtungo lamang sa Osaka PCG dala ang inyong resibo ng renewal at ang passport mismo. Mayroon po itong kaukulang bayad. Maaaring makuha sa araw mismo o ipapadala sa inyo makalipas ang dalawang araw. Kailangang magpakita lamang ng proof tungkol sa emergency.

You may apply for passport extension of your current passport. Proceed to Osaka PCG with your renewal/application receipt and your current passport. You will need to fill out a form and pay accordingly. You will also need to provide proof on the nature of the emergency. 

パスポート更新申請を提出したあとに、緊急事態が発生した場合は、最近まで使用していたパスポートの期間延長を特別に行います。フィリピン領事館から発行された領収書、最近まで使用していたパスポートを持参のうえ来館してください。所定の申請用紙に記入し費用を払います。また、緊急事態を証明できるものも必要になります。

 

Sa araw ng aking renewal, maaari na ba akong mag apply din ng extension dahil nga sa emergency?

Can I apply for extension on the day of my renewal/application?

パスポートの期間延長は、更新手続の申請提出日に、併せて申請できますか?

Opo. Pareho po lamang ang mga requirements tulad ng nasa taas.

Yes. Requirements as stated.

はい。申請できます。要件は前項の通りです。

 

Ano ang kailangan kong dalhin sa pag claim ng bagong passport?

How do I claim my passport?

申請したパスポートの進展状況はどのようにしたらわかりますか?

Ang inyong mga bagong pasaporte ay ipapadala sa inyo gamit ang mga envelope na inyong iniwan. Pakihintay po lamang mula sa Post. Kung lumampas na ang takdang panahon na 6-8 linggo at wala pa ang inyong passport, maaaring mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para sa katugunan. Iwasan po natin ang pag follow up ng passport sa telepono upang higit naming matugunan ang mga emergency na tawag.

The Consulate General shall send your old and new passports to the address you provided in your self-addressed return envelope. Please wait. If you have yet to receive your passports after 6-8 weeks, you may follow up via our email address This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. and we shall get back to you immediately. Kindly avoid following up via telephone that we may give priority to more pressing calls.

ィリピン総領事館は、あなたのパスポート新旧あわせて、申請時に窓口で提出された返信用封筒に入れ送付しますので、まずはお待ちください。申請後6-8週間経過しても、手元に届かない場合には、次のアドレス宛に確認希望の連絡をお送りください。 This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. 領事館から進展状況をお知らせします。なお、電話での確認はなるべくお控えください。

 

Maaari bang personal ang pickup ng bagong passport?

Can I personally pickup my new passport?

新しいパスポートの受取りのため、領事館に出向いてもよいですか?

Opo. Pakidala po lamang ang lumang passport at resibo.

Yes. Kindly bring the receipt and your old passport.

はい。来館される場合には、領事館発行の領収書と旧パスポートをご持参ください。

Para sa mga requirements at bayarin, I click lamang ang mga sumusunod.

For more information on the requirements and fees, please visit the following link:

さらに詳しい要件や領事手続費用につきましては、次のリンクにアクセスしてください。

 

Requirements for First Time Passport Applicants

Requirements for Passport Renewal

Requirements for Lost, Mutilated or Tampered Passports and Passports With Discrepancy