MENU

Steps for Getting a GOAS Appointment for FUKUYAMA Outreach

MAHALAGANG PAALALA:
Sapagkat tayo ay nasa ilalim pa rin ng panahon ng pandemya, maaari pa ring magbago o ma-kansela ang mga nasabing Outreach depende sa mga magiging developments at panuntunan ng pamahalaan ng Japan.
 
By ONLINE APPOINTMENT na po ang lahat ng services para sa Consular Outreach ng Philippine Consulate General sa Osaka. Ito ay upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng lahat lalo na sa panahon ngayon ng pandemiya o COVID-19.
 
Magpunta lamang sa takdang araw at oras ng inyong appointment. Kung July 23, 10AM ang inyong appointment, sa araw at oras na iyon lamang kayo magpunta. Strictly NO APPOINTMENT, NO ENTRY.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pag-unawa at pag-suporta. Manatili po tayong malusog at ligtas.