MENU

ANNOUNCEMENT PARA SA MGA FILIPINO DITO SA WESTERN JAPAN NA HOLDERS NG PHILIPPINE PASSPORT NA MAGE-EXPIRE NGAYONG 2020

Ilang Mahalagang Alituntunin na Dapat Sundin Hinggil sa Pagpapa-Extend ng Philippine Passport sa Panahon ng COVID-19

Bilang pagbibigay ng pansamantalang lunas sa mga may urgent passport needs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic lalo na dito sa Western Japan, nais ipabatid ng Philippine Consulate General sa Osaka sa mga Filipino communities na saklaw nito dito sa Western Japan, na ang mga may pasaporte na valid pa ngunit mage-expire na 2020 ay maaaring magpa-extend ng kanilang mga passport by mail.

Take note po na ang pagpapa-extend ng passport ay iba at hindi kaparehas o katumbas ng pagpapa-renew ng passport.

Para po sa mga Filipinong taga Western Japan at may Philippine passport na saklaw ng criteria sa itaas (i.e., valid pa ngunit mage-expire bago or by December 31, 2020), paki sundan pong mabuti ang sumusunod na alituntunin:

  1. Sagutan ng maigi ang Form to Request for Extension of Passport Validity na siyang mada-download sa baba nitong page; 
  2. Bumili ng isang Letter Pack 520 at sa “To:” portion nito, isulat ang sumusunod na address ng Konsulado: Passport Section Philippine Consulate General Twin 21 MID Tower 24F, 2-1-61 Shiromi, Chuo-ku, Osaka, Japan 540-6124
  3. Ilakip sa loob ng nasabing Letter Pack 520 ang mga sumusunod at ipadala/i-mail sa Konsulado:
    1. Ang nasagutan at napirmahang Passport Extension Form;
    2. Ang passport na ipapa-extend; at
    3. Self-addressed na 120 x 235 mm-sized na envelope (tinatawag sa Japan na Nagagata-3 or 長型 3号 na envelope) na may nakadikit na 960 yen na stamps o kitte (Registered Express Mail). Ito ang gagamitin ng Konsulado para ipadala sa inyo ang inyong na-extend na passport. Siguraduhing tama at kumpleto ang inyong pangalan, address at telephone number na nakasulat sa envelope.
  4. Bayaran ang Passport Extension Fee na nagkakahalaga ng ¥3,250 gamit ang Genkin Kakitome. Siguraduhing nakalakip dito ang nasagutang Payment Detail Slip for Passport Extension na siyang mada-download dito sa baba.

Ang mga passport extension applications na saklaw ng criteria sa taas, kumpleto sa requirements at matatanggap ng Konsulado ay aming ipo-process at ang nakalakip na passport ay aming tatatakan ng karampatang extension na may bisa ng isang taon.

Mahalagang mga paalala:

  1. Dahil hindi katumbas ng isang passport renewal ang passport extension, maaari pa ring maka-engkwentro ng balakid ang isang holder ng passport na na-extend sa port of entry ng ibang mga bansa. Hindi garantiya na makakapasok sa ibang bansa ang holder ng isang passport na may extended validity.
  2. Responsibilidad ng isang extended passport holder na magpunta sa Konsulado o sa DFA upang ipa-kansela ang nasabing passport at magpa-renew ng passport bago matapos ang isang taon.

Maraming salamat po at manatili po tayong malusog at safe.

Downloadable Forms:

  1.  Form to Request for Extension of Passport Validity
  2.  Payment Detail Slip for Passport Extension