Maari nang mag order online ng PSA e-Certificates para sa birth, marriage, at certificate of no marriage (CENOMAR) na e-Apostilled na!
Hindi na din kailangan ng hard copy ng PSA certificates kung e-Apostilled na.
Simula 19 March 2024 maari nang mag order online ng PSA e-certificates para sa birth, marriage, at certificate of no marriage (CENOMAR) ng may e-Apostilles.
Tatangapin ng Konsuladong Panlahat ng Pilipinas sa Osaka ang PSA e-certificates na may e-Apostille para sa mga konsular na serbisyong nangangailangan nito, tulad ng -
Legal Capacity to Contract Marriage (LCCM), Marriage License, Report of Marriage, Report of Birth, at Passport Application.
Ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa ASEAN na naging miyembro ng Apostille Convention at pangatlo sa Asyang magpatupad ng e-Apostille.
Para sa karagdagang impormasyon, kung paano mag order ng e-Certificates na e-Apostilled na bisitahin ang link na ito.