Dala ng pagkakadeklara ng Pamahalaan ng Japan ng 4th State of Emergency (SoE) sa Osaka bilang tugon sa mabilis pa ring pagtaas ng mga COVID-19 cases dala ng Delta variant, mariing hinihikayat ng Philippine Consulate General dito sa Osaka sa publiko na ipagpaliban o kanselahin na muna ang pag-punta dito sa Konsulado hanggang matapos ang SoE sa 31 Agosto 2021 upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng lahat.
Batid po namin na panahon ng Obon ngayon at para sa karamihan, pagkakataon ito upang maka-punta sa Konsulado upang maka-avail ng Consular services, ngunit ang buhay at kalusugan po nating lahat ang mas mahalaga. Manatili na lamang po muna tayo sa ating mga bahay kaysa makabilang sa mga ipinagdarasal natin sa panahong ito ng Obon o Ghost Month.
Para sa mga may Confirmed Appointment sa Konsulado
Patuloy pa rin po kaming tatanggap ng mga may confirmed appointments sa Konsulado ngunit amin pa rin pong hinihikayat na inyong ipagpaliban o kanselahin ang inyong pagluwas sa Osaka para na rin sa inyong kalusugan at kaligtasan.
Maaari po ninyong kanselahin ang inyong appointments at muli na lamang mag-online appointment sa Konsulado matapos ang SoE.
Para sa mga Expired o Mage-Expire na ang Passport o may Emergency
Kung ang inyong passport ay mage-expire na ngayong Agosto, wala naman pong dagdag na penalty o requirements na hinihingi ang Konsulado kung kaya’t amin pa ring inaabiso na kayo ay umiwas na muna sa pag-biyahe sa Osaka at hintayin na matapos ang SoE bago magpa-appointment sa Konsulado.
Ngunit kung may emergency at talagang kinakailangang ipa-renew na ang passport, amin pong inaabiso na inyo na lamang munang ipa-extend ang validity ng inyong passport kaysa sa bumiyahe pa at i-risk ang inyong kalusugan dito sa Osaka. Para sa instructions sa kung papano makakapagpa-extend ng passport validity, paki bisita ang sumusunod na link:
https://osakapcg.dfa.gov.ph/newsroom/advisories/488-emergency-measure-pagpapa-extend-ng-philippine-passport-sa-panahon-ng-covid-19
Para sa mga nagbabalak mag-online appointment para sa Civil Registry (Report of Birth, Report of Marriage, LCCM)
Kung nagbabalak pa lamang mag-online appointment para sa Civil Registry, aming inaabiso na hintayin na lamang matapos ang SoE sa Osaka.
Ngunit kung urgent at hindi na mahihintay na matapos ang SoE, maaari ninyong i-mail ang inyong Civil Registry documents sa Konsulado na may kumpletong requirements. Sundin lamang ang requirements sa mga links below.
Report of Birth:
https://osakapcg.dfa.gov.ph/consular-services/consular-requirements/civil-registry/report-of-birth
Report of Marriage:
https://osakapcg.dfa.gov.ph/consular-services/consular-requirements/civil-registry/report-of-marriage
LCCM:
https://osakapcg.dfa.gov.ph/consular-services/consular-requirements/civil-registry/lccm
Para sa nagbabalak mag-online appointment para sa Other Services
Kung nagbabalak pa lamang mag-online appointment para sa other services (hal. SPA, Notarials, Travel Document, Assistance to Nationals, etc.), aming inaabiso na hintayin na lamang matapos ang SoE sa Osaka.
Ngunit kung talagang hindi na makakapaghintay o may emergency, kakailanganin po talagang magpa-appointment sa Konsulado gamit ang sumusunod na link:
https://philippineconsulategeneralosaka.setmore.com/
Amin din po munang isu-suspend ang pagtanggap ng NBI Clearance Applications sa panahong ito.
Sapagkat ang pagtaas ng COVID-19 cases dito sa Osaka ay iniuugnay sa mas nakakahawang Delta variant ng nasabing virus, muli, amin pong inaabiso sa lahat na ipagpaliban muna ang paglabas o pagbiyahe at sundin ang mga health and safety protocols ng inyong local na pamahalaan.
Ang kalusugan at kaligtasan po ng lahat ang ating prayoridad. Patuloy po tayong mag ingat at manatiling ligtas.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta, pag-unawa, at kooperasyon.