Inaanyayahan po namin kayo at ang inyong komunidad na magparehistro sa π£π₯π-π©π’π§ππ‘π ππ‘π₯π’πππ ππ‘π§.
Ang enrollment ay nagbukas noong Marso 20, 2025 at magsasara sa Mayo 7, 2025.
1. Bakit kailangang mag-enroll?
Kailangang mag-enroll upang makapasok sa Online Voting and Counting System (OVCS) at makaboto sa darating na Halalan 2025.
Hindi kayo makakaboto sa darating halalan kung hindi kayo naka enroll. Ang pagboto ngayon ay online na base sa COMELEC Resolution No. 10986.
Wala ng balota.
2. Sino ang maaring mag-enroll?
Lahat ng botanteng nakalista sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) para sa 2025 Philippine National Elections.
3. Hindi ako sigurado kung nasa listahan ako o nakapagparehistro bilang botante sa darating na halalan. May paraan bang ma-check ko uli?
Meron po. Paki-click ang link na ito: list of voters kung gusto ninyong malaman kung kayo ay nasa listahan ng mga botante.
4. Nasa listahan ako. Papaano ako mag e enroll?
(a) Ihanda ang ID na itinakda na maaaring gamitin sa halalan:
- Pasaporte
- Driverβs License
- Seamanβs Book (kung kayo ay marinero)
- PhilSys o National ID
- Integrated Bar of the Philippines (IBP) ID
(b) Hihingan kayo ng password sa enrollment. Isipin at isulat sa papel ang inyong naisip na password upang di makalimutan.
Ang password na inyong gagawin ay dapat na sumunod sa ganitong alintuntunin:
- Hindi bababa sa walong kumbinasyon ng letra, numero, at espesyal na simbolo (halimbawa ng mga espesyal na simbolo: ! @ # $ % ^ & *)
- Kinakailangan na ang inyong password ay mayroong malaking titik na letra (o Uppercase, hal. βBβ) at maliit na titik (o lower case, hal. βbβ)
(c) Isipin at itakda kung ano ang inyong gagamitin para makatanggap ng mensahe at elektronik na balota sa COMELEC.
Sa pamamagitan po ba ng inyong e-mail? O sa inyong mobile phone? Kung ano ang inyong napili, iyon ang gagamitin ninyo para bumoto.
(d) Pumili ng isang maliwanag na lugar na malakas ang nasasagap ninyong wifi signal.
Ito ay sa kadahilanang habang nag e enroll, kakailanganin ninyong kuhanan ng ng litrato ang inyong ID at ang inyong mukha (selfie ng mukha).
(e) I click po lamang ang link na ito: pre-enrollment voting na magtutuloy sa inyo sa online site ng Pre-Voting Enrollment.
(f) Kung matagumpay ang inyong enrollment, makakatanggap kayo ng mensaheng βCongratulationsβ sa huli. Kung hindi naman, makakatanggap pa rin kayo ng mensahe na ang inyong beripikasyon bilang botante ay ginagawa pa.
5. Tapos na akong mag enroll. Ano pa ang gagawin ko pagkatapos mag enroll?
(a) Matapos ninyong makumpleto ang pag e-enroll, makakatanggap kayo sa COMELEC ng log-in link. I-click ang link.
(b) Ilagay ang inyong e-mail o mobile phone number (kung anuman ang napili ninyong gagamitin para makatanggap ng mensahe at elektronik na balota sa COMELEC).
(c) Ilagay din ang inyong password.
(d) Ngayon, maari ka ng mag-test sa pagboto. Tandaan na ito ay pagsasanay lamang. Hindi pa aktuwal o opisyal.
(e) Ang tunay na pagboto ay mag-uumpisa sa Abril 13, 2025 hanggang Mayo 12, 2025.
Mga Habilin
Ang huling araw ng enrollment ay sa MAYO 7, 2025
Ang simula ng opisyal na pagboto ay sa Abril 13, 2025
Inaanyayahan po namin kayong ipaalam ito sa inyong komunidad upang masigurong lahat ng kwalipikadong botante ay makakaboto. Para sa karagdagang impormasyon, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin. Maari lamang tumawag sa 06-6910-7881 o sumulat sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Maraming salamat sa inyong pakikiisa!